sentimental akong tao. ayokong mawalay sa mga tao, bagay, hayop, lunan, o pangyayari na napalapit na sa aking puso.
may sentimental value na 'ika nga.
nag-away kami ng tropa ko nung iwala niya ang issue number 2 ng hothits songhits magazine ko. hindi na ako nagpahiram ng vcd sa mga
tropa ko nung mawala ang rivermaya live & acoustic kong vcd. ayokong ibigay ang lego ko na pulis na may motorcycle sa pinsan ko kahit hindi ko
na ito nilalaro dahil college na'ko. naiiyak ako 'pag nanonood ng "wish ko lang" at ng ilang mga chick-flick. sentimental akong tao.
paano kung tao pa kaya ang mawala?
madali din ako mapalapit ng loob sa mga kaopisina ko. kaya malungkot talaga 'pag may mga lumilisan sa opisina na malapit sa akin para sumubok ng ibang
uri ng pakikipagsapalaran. pero wala tayong magagawa. walang permanenteng bagay sa mundo kun'di pagbabago.
mukhang dramatic ang introduction pero gusto ko lang i-present ang buhay ko sa labas ng aking cubicle kapiling ang mga ka-opisina ko
na napalapit na sa aking puso. enjoy the menu.
sa mga ka-opisina ko na kaibigan ko, kung sakaling mapadaan, magparamdam ka naman, dahil minsan tayo naman ay naging tunay na magkaibigan...
what came first, the music or the misery? people worry about kids playing with guns, or watching violent videos, that some sort of culture of violence will take them over. nobody worries about kids listening to thousands, literally thousands of songs about heartbreak, rejection, pain, misery and loss. did i listen to pop music because i was miserable? or was i miserable because i listened to pop music? - high fidelity