kris kringle
prologue: ewan ko ba kung bakit napakahina ng recall ko sa places and directions. kailangang mapuntahan ko siya ng napakaraming beses bago ko matandaan. nung bagong lipat nga kami ng bahay dati, muntik pa akong umuwi sa dati naming tinirhan. nalilito pa din ako hanggang ngayon kung saang side ng building ang opisina namin paglabas ko ng elevator.
nung binaba ako minsan ng service sa quezon ave., 'di ko alam sa mga daan kung saan ako mag-aantay ng bus pauwi. nung sumakay ako ng bus papuntang commonwealth branch, quezon ave. na pala eh ayaw ko pa bumaba. nung sumakay ako ng jeep papuntang mrt, nagtanong pa ako sa katabi ko kung saang parte nung mrt ang papuntang buendia at kung tatawid pa ba ako o hindi na. nung pababa na ako ng mrt, sa maling pinto ako nakaharap. 'yung nasa likod ko nga pala ang bubukas. nung bumaba ako ng mrt, nalito pa ako kung saan ako dadaan papunta sa sakayan ng mga jeep na pa-makati ave.
pero nung mga oras na 'yun, gusto kong mag-enjoy, magrelax. kaya kahit mahina ako sa direksiyon, pinilit kong marating ang music21.
first screening: decembersixteentwothousandfive, viernes
location: music21 jupiterstreet makaticity
duration: more than 5hrs
housemates (in no particular disorder): yamito "tnx sa tribaltshirt na gift", tintin "wag mo pahiram kay yam ang angels&demons" as fiona, ronna, mikerosan "tnx sa rice", melvin, melissa as babae ako, jomar a.k.a. manoy, joanne, jhoanna, irma as hotmomma, hopee dotdotdot, denster, charles as uma.
pre-production: mahirap tanggihan ang isang pagsasalu-salo na kasama ang ilan sa mga malalapit mong kaibigan. mula sa commonwealth branch, hinabol ko ang oras para makaabot sa okasyon. kahit isang beer at isang song lang. makahabol lang. jeep. mrt. jeep. takbo. nag-uumpisa na ang saya ng dumating ako. malamig na beer, kasama ang ilan sa mga kaibigan mo, kantahan, sayawan, ano pa'ng hahanapin mo? ito ang tunay na teleserye ng totoong buhay. astigas.
to make the long story short:
- masayang-masaya talaga ang okasyon
- lahat kumanta
- lahat tatalunin ako sa kantahan
- may mga sumayaw
- lahat din tatalunin ako sa sayawan
- si melissa kumanta ng isang song. tapos hindi na nagpaawat, bumuo na ng album. tumayo pa.
- si charles nag-announce na "isang oras pang extension, sagot namin ni denster" para sa tagumpay ng pba live 06 patch namin (pahamak talaga, dapat 'di nilalasing to eh)
- it was a night of revelations other than the revelations on who's who in the recently concluded kriskringle
- ang infamous and now classic na "dotdotdot" ni hopee
- ang initial na twoandahalf hours ay na-extend nang tatlong oras pa
budget:
3,300.00 - 2,000php sagot ni melissa kapalit ng gift certificate, 1,300 - 100php each (complete cast)
3,638.18 - 25% sagot ni hopee, 25% sagot ni manoy a.k.a. jomar, 200php each ang 9 out of 11 na survivor
1,500.00 - 50% sagot ni charles, 50% sagot ni denster (pahamak ka talaga charles!!!)
brought to you by the letters: M,A & J,S,O and the phrase: all but the girl
post-production: 'yung last hour sa loob ng room, nagmistulang "thebuzz". daig pa si boyabunda at ang crush kong si krisaquino sa tindi ng intriga
lastwords:
mikerosan -> "denster, 'di ba dito ka na bababa?"
denster -> (tumingin sa paligid) "hindi pa, sangandaan pa ako eh." (tapos, mahabang pause)
denster -> (lumingon ulit sa paligid) "ay oo nga, sangandaan na pala ito, lagpas na pala 'ko. ma, para."
epilogue: mahina talaga recall ko sa places & directions.
note: nakalimutan mag-picture taking kasi busy lahat sa pagkanta.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home