what if
==========
unang segundo ng pag-upo ni hopee bilang acting oic. mukhang nag-practice na kagabi sa tamang pag-upo sa puwesto.
nalaman niyang wala palang internet connection kaya pinaunlakan ang photographer (2megapixel pictures courtesy of rhael) na mag-pose sa kodakan.
gumagawa ng memo para ilegalize ang coffee break everytime na ika'y inaantok.
nakikinig sa mga opinyon ng kanyang tauhan. lalo na kung tungkol sa pinoy big brother celebrity edition ang usapan. chill.
==========
day two
umagang-umaga pa lang ay nirerepaso na niya lahat ng pending na paper works na naiwan nung huwebes.
hinawakan agad ang kanyang lapis para i-edit ang mga error sa grammar ng mga leave form na natanggap niya.
kahit problemang personal tulad ng problema sa babae, sugal, alak, sigarilyo at kung anu-ano pang bisyo ay pwede mo ding ikonsulta kay hopee.
bago matapos ang araw ay kitang-kita mo naman sa kanya ang sobrang dedikasyon sa trabaho. pilit pa ding tinatapos ang lahat ng puwedeng tapusin na trabaho...para sa kanyang bayan.
ito ang pose nang isang taong sinulit at hinigitan pa ang walong oras na binigay ng kumpanya sa kanya para magtrabaho. sulit na sulit ang kanyang kumpanya sa kanyang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho... para sa kanyang inang bayan.
==========
last day syndrome
all smiles pa din kahit alam niyang marami siyang dapat gawin ngayong araw.
para madaming matapos na trabaho ay inumpisahan agad niyang buksan ang kanyang laptop.
agad niyang inasikaso ang mga dapat tapusin ngayong araw. walang dapat masayang na oras. buksan agad ang mga pending loads. kitang-kita naman sa picture na taimtim siyang nag-a-analyze ng kanyang, err, desktop wallpaper.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home